Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.
Ngayong araw ang simula ng Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) sa Kalakhang Maynila. Ang curfew ay binago na rin.
Ngayon ay inilatag na mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga. Kahit papaano ay malaking kaluwagan lalo na sa mga obrero na nagmamadaling umuwi.
Umarangkada na rin ang pamamahagi ng ayuda ng LGU’s para sa mga qualified residents. Yun nga lang, pahirapan ang pagkuha.
Ang biyayang ayuda ay ipinamahagi sa Laguna, Bulacan, Rizal at Metro Manila. Malaking ginhawa kung makukuha ng ating mga kababayan.
Ito ay nagkakahalaga mula P1,000 hanggang P4,000 para sa indibidwal at bawat pamilya. Na ang pera ay nagmula sa P22.9 bilyong pondo na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM).
Bahala na ang umano ang LGU’s kung ipamamahagi ang ayuda through cash o in-kind. Pero, mas mainam umano para sa mga kababayan natin na cash ang ipamahagi.
Ang suhestiyon ng karamihan, bakit hindi na lang ipamahagi sa mga bahay-bahay ang pera? Kaysa sa pumila pa. Kasi nga raw nawawala ang social distancing.
Last year kasi, marami sa ating mga Cabalen ang hindi nakatanggap ng ayudang pera. Us usual daw, pinitik na. Nasa mahiwagang bulsa na raw ng mga opisyal.
Sa mga malalapit daw na kakilala, kamag-anak napunta ang mga ito. Meron namang nakakuha kahit di qualified. Kahit patay na, nakakuha pa ng ayuda. Tsk!
‘Yung iba, doble ang nakuha. Ang iba, kalahati na lang ang nakuha. ‘Yung mga in-kind, pinitik din. Napurga na sa sardinas at noodles ang iba.
Maganda ang programa ng gobyerno sa ayuda. Pero, sinisira ng mga tiwaling opisyal.
Heto ang main ingredient ngayon mga folks sa pamamahagi ng ayuda. Dahil sa malapit na ang 2022 elections, tiyak na magpapapampam ang mga politiko.
Siyempre, baka lagyan ng litrato nila at pangalan ang ibibigay na ayuda. Baka samantalahin ng iba ang pagkakataon para magpapogi points na agad.
Labag ang istilong ito ayon sa DILG. Kaya, maging mapagmatyag tayo, mga Ka-Sampaguita. Viva La Raza
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE