Kumustang muli ang buhay natin mga Cabalen? Nawa’y lagi po kayong nasa mabuting kalagayan.
Nakababahala mga Cabalen ang paglobo pa ng kaso ng Coronavirus disease sa kabila ng maigting na kampanya ng pamahalaan.
Hindi naman natin sinisisi ang kinauukulan dahil ginagawa nila ang lahat ng makakaya. Hindi naman sila nagkulang sa paalala at pagbibigay ng tuntunin sa taumbayan upang makaiwas sa sakit. Sadyang may ilan kasi sa ating mga kababayan ang pasaway.
Gayunman, kahit pasaway ang ilan, ayaw naman natin silang magkaroon ng sakit. Kawawa kasi ang mga mahal nila sa buhay kapag nagkaganun.
Habang lumalaban pa tayo mga Cabalen sa bagsik ng Covid-19 pandemic, heto at may bagong banta na naman ng ilang sakit. Isa na nga rito ang ‘Bubonic Plague’.
Ano ba itong ‘bubonic plague’? Ito ay isa sa pinaka-nakamamatay na sakit o infection na dulot ng bacteria sa kasaysayan. Tinatawag din itong ‘ Black Death’ na naging global pandemic din noong kalagitnaan ng ika-13 siglo (1347-1353) na lubhang kumalat sa Europa at sa Asya. Ito ay poinaniniwalang sanhi ng ‘bacterium Yersinia pestis’, na dala-dala ng pulgas mula sa mga daga.
Mula nang kumalat ang sakit sa Europa noong Oktubre 1347, 20 milyong katao ang namatay o katumbas ng one-third ng populasyon ng kontinente. Sa kabuuan, mga nasa 100-200 milyong katao ang nalagas sa populasyon ng mundo noong panahon iyon.
Kamakailan lamang ay isang lalaking taga Inner Mongolia ang napaulat na nagkaroon ng nasabing sakit, kaya nangangamba ang kanugnog bansa, lalo na sa Asya na baka kumalat ito.
Pagtitiyak ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isinagawang press briefing, walang dapat ikabahala ang sambayanan na makapapasok ang sakit sa ating bansa. Ito ay dahil sa sarado ang boarder ng bansa— at walang sinumang dayuhan sa ngayon ang maaaring makapasok ng basta-basta.
Nakumga Cabalen, panibagong kalbaryo ‘yan kapag kumalat, panibagong pagsubok. Mas matindi ito kung tutuusin dahil namamaga at nangingitim ang bahagi ng katawan na apektado ng baktirya.
Ilan sa mga sintomas na ang isang tao ay mayroong ‘bubonic plague’ ay ang pagsusuka, lagnat, panginginig, diarrhea, matinding pananakit at kirot ng apektadong bahagi. Inaatake nito ang lymphatic system na nagiging sanhi ng pamamaga ng lymp nodes— na maaaring kumalat sa dugo o sa baga.
Gayunman, di gaya ng Covid-19, may paraan upang mapigilan ang pagkalat ng bubonic plague— sa pamamagitan ng ibayong paglilinis ng damit at higaan, pagpuksa sa mga daga na carrier ng pulgas na may baktirya at pagsisiga malapit sa bahay upang hindi manalasaang airborne bacillus.
Gayunman, dalangin na huwag na sana tayong perwisyuhin ng bubonic pague. Nawa’y maging mapagmatyag at alerto ang otoridad upang di na makapasok sa atin kung sakali ang nasabing sakit.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!