‘Huwag munang isailaim ng Metro Manila sa MGCQ mula sa GCQ,’ ito ang pahayag ni UP Professor Guido David ng UP-OCTA Research Team.
Aniya, hindi pa napapanahon na ibalik sa MECQ kahit patuloy ang kaso ng COVID-19. Nararapat aniyang pag-aralang mabuti ang quarantine measures.
“Sa ngayon, tignan, obserbahan muna natin. Siguro ire-evaluate muna natin.Kasi minsan delayed ang effects ng GCQ, mas mabuti nang ma-retain muna natin ang GCQ at kailangan tutukan natin kung ano ang effect nito,” aniya.
Gayunman, hindi naman daw dapat maghigpit ng todo. Pupuwede naman aniyang magbukas ang economic sector. Ngunit, dapat aniyang bantayan at obserbahan ang epekto nito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA