November 3, 2024

HUWAG LANG PANDEMYA ANG PAGHANDAAN, KUNDI PATI ANG DI OKAY NA DULOT NG TAG-ULAN

Mga Ka- Sampaguita isa na namang mapayapang araw sa inyong lahat. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan.


Opisyal nang pumasok ang ang wet season o panahon ng tag-ulan ayon sa PAG-ASA. Habang tinitipa ito, malakas ang buhos ng ulan. Kaya, apektado ang Visayas at Mindanao. Gayundin ang Luzon. Kug di dult ng bagyo e kagagawan ng thunderstorm.


Paulit-ulit na lang na pinaaalala natin sa kinauukulan na paghandaan lagi taun-taon ang wet season. Na ayusin ang dapat ayusin.

Tanggalin ang nakabara sa dapat tanggalan. ‘E ang siste, hukay dito, hukay riyan. Sa halip na makatulong, nakaabala lang.

Dapat na tutukan ng mga kinauukulan sa kasalukuyangadministrasyon ang wet season o ‘yung mga panahon na madalas nag-uuulan at manalasa ang bagyo.

Na nagdudulot ng flash flood at storm surge kung may bagyo. Bagama’t nasa bahagi pa rin ang ating panahon ng dry season.

Heto’t inuulan tayo na may maganda rin namang resulta. Lalo na sa mga lupang sinasaka. Dapat na nakaprepara ang kinauukulan dito upang mailapat agad ang ayuda at solusyon.

Lalo pa nga’t nag-uuulan na. Kapag sumapit naman tag-ulan, apektado ang negosyo, pasok sa eskuwela, at pamumuhay ng mga kababayan natin.

Kung di man 100 porsiyentong masosolusyunan, ala ‘e dapat bawasan man lang ang epekto. Lalo na nga ang pagbaha na nagdudulot ng di komportableng kalagayan. 


Sino ba ang gustong matulog sa evacuation center? Lalo na nga’t nasa gitna pa tayo ng pandemya. Tiyak na malalabag ang health protocols.  

Kung di maiiwasan, dapat marespondehan agad ang mga kababayan nating apektado ng baha.

Dapat na ring ihanda ang nga relief goods na ipamimigay sa mga apektado ng bagyo’t pagbaha— at maging ng epekto ng thunderstorms.

Muli, uulit-ulitin natin ito upang maalala ng kinauukulan. Umaraw man at umulan, lagi tayong handa. Adios Amorsekos.