Pinaiimbestigahan ng walong mambabatas sa House of Representatives ang brutal na pag-atake kay Atty. Angelo Karlo Guillen na pinagsasaksak ng screwdriver.
Naghain na ng isang resolusyon ang mga mababatas na sina Edcel Lagman, Jose Christopher “Kit” Belmonte, Carlos Zarate, Eufemia Cullamat, Ferdinand Gaite, Arlene Brosas, France Castro at Sarah Jane Elagao na nanawagan sa House panel on human rights na magsagawa ng “investigation in aid of legislation” kaugnay sa nasabing insidente.
“When members of the legal profession, especially those rendering pro bono services and public interest lawyers who counsel for the marginalized and underprivileged sectors in society, are under attack, Congress should be there, too, to also lend its legislative hands and deflect the assault coming from the undemocratic elements of our society,” mababasa sa resolusyon.
Naglalakad na pauwi sa kanyang bahay ang human rights lawyer sa Iloilo City nang brutal na pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga salarin noong Marso 3.
Maayos na ang lagay ng abogado at natanggal na rin ang screwdriver sa kanyang ulo.
Kamakailan lang ay na-red tag si Guillen na siyang may hawak sa kaso ng 16 miyembro ng indigenous Tumandok na naaresto sa probinsiya ng Capiz at Iloilo noong Disyembre 30, 2020, dahil sa illegal possession of firearms and explosives, at pagkakaugnay umano sa mga komunistang rebelde.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE