Bakante ang coaching job ngayon ng ilang NBA teams. Nangyari ang sibakan ng mga coaches dahil sa bigo sila na akayin ang teams sa impresibong panalo sa playoffs.
Ang iba ay kusa na lang bumitaw at naging maayos ang paghihiwalay nila ng landas. Kagaya ni ex-Portland TrailBlazers coach Terry Stotts. Gayundin si Dallas Mavericks coach Rick Carlisle.
Ang iba ay sinibak gaya ni Scott Brooks ng Washington Wizards at STan Van GUndy ng New Orleans Pelicans.
May posibilidad na magkaroon ng rigodon sa bawat coaches at malamang na hablutin sila ng ibang teams.
Sa panig ni Terry Stotts, pwede umano siyang magtimon sa Mavericks. Pwede rin si Scott Gayundin si Jason Kidd at Jamahl Mosley.
“Stotts is the compromise candidate. He’s a known commodity after 13 seasons as an NBA head coach,” ayon kay Sam Quinn ng CBS Sports.
“He was a Dallas assistant under Carlisle prior to taking over the Portland Trail Blazers and helped the Mavericks win the 2011 championship,” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2