February 24, 2024

CONGRATULATIONS SA MGA BAGONG DOKTOR; KUDOS DOC MONTE TOLENTINO!

Isang malusog at mapagpalayang araw po sa ating lahat!

Kahapon, Nobyembre 10, 2022  ay nag-trending ang “Congrats Doc” sa Twitter at Facebook.

Ito ay dahil kanya-kanyang post sa social media ang ilang bagong doctors matapos makapasa sa board exam.

Inilabas kahapon ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng October 2022 Physician Licensure Examination (PLE), kung saan pumasa ang 3,826 mula sa 5,958 examinees.

Isa ang aming pamilya sa nagagalak dahil kasama sa mga nakapasa kahapon ang aking pinsan na si Monte Tolentino.

Saludo tayo kina Tito Mike at Tita Precy na walang sawang umalalay para makapagtapos ang kanilang anak na si Monte na isa na ngayong ganap na doktor.

Congrats Doc Monte at sa lahat ng nakapasa sa Physician Licensure Examination.

Hone your future, nature your career.

Kayo ay dangal ng ating bansa! Mabuhay kayong mga pag-asa ng bayan!

***

Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o tumawag lamang sa numerong CP#09999861197 o mag-email sa [email protected]