January 25, 2025

PH SAMBO SPORTS SASAMBOT NG GINTO SA SEAGAMES AT AIMAG

TUTUKLAS ng mga bagong usbong na Samboist sa bansa ang Pilipinas Sambo Federation Inc sa iba’t ibang  nakalinyang kumpetisyon kabilang ang isang international tournament sa susunod na taon na lalahukan ng 30 bansa sa buong mundo.

Unang sasalang na magpakitang-gilas ang mga kababaihan na lalahok sa darating na 8th Women’s Martial Arts Festival simula Nobyembre 12-18 sa Rizal Memorial Sports Complex, kung saan ang mga magtatagumpay na atleta ang kakatawan para sumalang sa Asian Indoor Martial Arts Games sa sa Nov. 17-26 sa Chonbuti at Bangkok, Thailand.

“Inspirasyon ang mga babae, kase one of the biggest achievement ng Pilipinas Sambo ay galing sa babae, isa pa first Olympic gold ay babae and this is the first time na kasali tayo sa All-Women’s Festival at first time din sa AIMAG ang combat sports. We always lean on towards gender equality,” pahayag ni PSFI President Paolo Tancontian kahapon sa lingguhang sesyon ng TOPS Usapang Sports sa Behrouz Persian Cuisine sa Quezon City.

Sunod na pagtutuunan ng pansin ng PSFI ang National Sambo Championship  na puntirya namang humanap ng mga atletang sasabak para sa 32nd Southeast Asian Games para sa traditional sport ng Cambodia na Bokator na tiwalang makakapagbulsa ng tatlong gintong medalya para pangunahing manlalaro ng Combat Sambo.

“We’ll send the best fighters in Cambodian SEAG in our country, like (2019 SEAG champion) Mark Striegl and Rene Catalan, although we are going to undergo an extensive training after nilang dumaan sa matinding selection process sa national championship,” wika ni Tancontian na pinuwesto bilang Deputy Chef-de-Mission ng Cambodian biennial meet kasama si coach Len Escollante ng Canoe-Kayak, CDM si Chito Loyzaga ng baseball.

Panigurado namang bibitbitin muli ni Sy ang bandila ng bansa laban sa pinakamahuhusay na Samboist sa buong mundo sa kauna-unahang internationl tourney sa bansa ng Sambo. Nito lamang nagdaang Setyembre ay nagwagi ng silver medal ang 22-anyos na Southeast Asian Games multi-medalist sa FISU University World Cup Combat Sports sa Samsun, Turkey sa women’s +80kgs heavyweight division.

Bibida ang World championship medalist kasama ang mga pambato ng national squad sa Sports at Combat Sambo sa 1st Mayor’s Cup sa Fora Filinvest Mall sa Tagaytay, Cavite sa October 2023.

Dahil sa naturang tagumpay ay lalong sumidhi ang pagnanais ng PSFI na patatagin pa ng husto women’s sports lalo pa’t mas malaki ang pag-asa ng mga Filipino pagdating sa martial arts o combat sports events. 

Kababalik lang ng bansa ng graduating student-athlete mula University of Santo Tomas na si Sy-Tancontian mula sa training camp sa Singapore at France, kung saan tumagal ito ng mahigit isa’t kalahating buwan, kabilang na rin ang paglalaro sa World University Combat Sports.

Nasundan ang naturang tagumpay sa Turkey ng binalibag ng two-time SEA Games bronze medalist ang kanyang ikalawang ginto sa 2022 Asian Sambo Championships sa Jouneih, Lebanon nitong nagdaang Hunyo matapos makuha ang unang titulo sa 2019 Asian juniors edisyon sa New Delhi, India.

Nakatakdang ganapin ang women’s Sambo event na mayroong tig-dalawang kategorya sa combat at sports Sambo sa 54kgs at 59kgs division. Lalahukan ito ng mga miyembro ng national team at ilang mga atleta sa iba’t ibang clubs, unibersidad at kilalang grupo ng mixed martial arts na Team Lakay.

“Sana tuloy-tuloy ang suporta para sa Pilipinas Sambo para mas ma-propagate ang aming sport na layuning makapagbigay ng karangalan sa bansa. We are very thankful sa PSC (Philippine Sports Commission) at POC (Philippine Olympic Committee) na sana’y magpatuloy ang pagsuporta at tulong sa amin upang mas lalo pang mapalakas ang aming pampalakasan,” saad ni Tancontian  sa forum na suportado ng PSC, Games and Amusement Board at PAGCOR.