GINANAP ngayong araw ang anibersaryo ng National Bureau of Investigation na may temang “NBI @ 86: Resilient Towards the Challenges and Demands of the Times”, kung saan Ilang matataas na opisyal ng Gobyerno at VIP ang dumalo kabilang na itong si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Siya rin ang panauhing pandangal at naging tagapagsalita sa 86th Founding Anniversary Celebration ng NBI.
Ayon sa NBI, sa ilalim ng pamumuno ni NBI Dir. Menardo Delamos, ito ay dalawang araw na pagdiriwang ng anibersaryo, na dinaluhan ng buong ahensya ng NBI mula NCR, R1 to R12, simula ngayon sa Nobyembre 9, hanggang A-10 ng taong 2022 sa Diamond Hotel, Roxas Boulevard, Lungsod ng Manila.
Isang thanks-giving mass din isinagawa bago ang formal anniversary program kung saan nagkakaroon din ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE).
Nagbigay din ng makabuluhang mensahe si Remulla bilang highlight ng pagdiriwang.
Kaugnay ng event na ito, nagsagawa rin ng Service Awards, para bigyang pagkilala naman ang mga lalaki at babae na empleyado ng NBI na nakamit ang kanilang mga milestone sa serbisyo at misyon.
Sa araw naman ng Nobyembre 10, 2022, magkakaroon ng Wreath Laying sa Wall of Honor sa NBI Taft Avenue, Manila, bilang parangal sa mga NBI Agents at Special Investigators na namatay sa tungkulin.
Dadaluhan ang naturang event ng mga matataas na opisyal ng Bureau, kasama ang mga pamilya ng mga namatay na bayani ng NBI.
Susundan din ito ng Command Conference sa Diamond Hotel na lalahukan ng NBI Regional Directors, Agents-In-Charge, at Division Chiefs ng Investigative and Intelligence Services.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA