
SUSULONG na ang handog na prestihiyosong kaganapang pang -sport ng ama ng Marinduque sa Nobyembre 12 sa kabisera nitong progresibong Boac.
Ayon kay event coordinator Giovanni Buhain ng nag-organisang Boac Knights Chess Club,Inc. na pinamumunuan ni club president Engr.Lauro Bautista,ang kaganapang todo suportado ni Marinduque Governor Presbiterio Velasco ,Jr. ay bukas para sa lahat ng chess enthusiasts sa lalawigan at karatig kung saan ang mga mamamayagpag sa isang araw na chess festival ay may nakalaang premyong salapi at eleganteng tropeo sa kagandahang loob ni Gob. Velasco.
“Inaasahan namin ang paglahok ng ating mga kababayang entusiyastiko sa larangan ng ahedres mula sa open division, kiddies,female at seniors category.Pati dayuhan ay welcome sa ating sport event na gaganapin sa MSC Gymnasium dito saTanza, Boac, ” wika ni Buhain kasabay ng kanyang pasasalamat sa suporta sa adbokasiya ng BKCCI nina Gobernador at Marinduque lone district Representative Lord Allan Velasco na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon( Nob.9).
“We organized this momentous sport event to help the youth to be disciplined in their way of life through playing chess,” ani pa Buhain.
Espesyal na panauhin sa buwenamanong Governor’s Cup sina Women GrandMaster (WGM) Janelle May Frayna ng Philippine Women’s Chess team at teammate niyang si WIM Bernadette Galas na tiyak na magbibigay ng inspirasyon at motibasyon sa mga entusiyastikong Marinduque chessers.
Ang naturang sulungan para sa karangalan ay orihinal na itnakda ngayon( Nob.9) na kaarawan ni Cong. (ex- Speaker) Velasco pero nai-reset sa darating na Sabado dahil sa naging epekto ng pananalasa sa rehiyon ng nagdaang bagyong Paeng.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon