KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang lalaki na listed bilang most wanted sa Valenzuela City matapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya in relation to SAFE NCRPO sa naturang lungsod.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Jino Gabriel Yu, 18, at residente ng Brgy. Ugong ng lungsod.
Ayon kay Col. Destura, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt. Robin Santos ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Yu sa JB Juan St. Brgy. Ugong dakong alas-5:35 ng hapon.
Ani PLt. Santos, si Yu ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, para sa kasong paglabag sa Section 5(B) of R.A. 7610 (3 counts).
Sa Brgy. Gen T De Leon, nalambat naman ng mga tauhan ng Sub-Station 2 at WSS sa joint manhunt operation sa Sitio Kabatuhan Compound 2, dakong alas-10:20 ng umaga ang isa pang most wanted sa lungsod.
Kinilala ni SS2 Commander P/Major Randy Llanderas ang naarestong akusado bilang si Jimmy Melanio, 43 ng Brgy. Gen T De Leon.
Si Melanio ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Orven Kuan Ontalan Regional Trial Court (RTC) Branch 285, Valenzuela City, para sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale), and Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug) Art. II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Derictor P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela police sa pamumuno ni Col. Destura dahil sa matagumpay na operation kontra wanted persons.
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE