KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang laborer dahil sa panggugulo sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Nahaharap sa kasong Malicious Mischief, Alarms and Scandals and Resistance at Disobedience to a Person in Authority or the Agents of Such Person ang suspek na kinilala bilang si Joebth Villanueva, 38, ng Gov. Pascual, Brgy. San Jose.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Reysie N Peñaranda, nakatanggap ng reklamo ang mga tanod ng Brgy. San Jose mula sa complainant na si Aaron Crisostomo, 22, cremator ng Navotas Cemetery hinggil sa ginagawang panggugulo ng suspek sa Gov. Pascual, Brgy. San Jose at naninira ng mga ari-arian.
Kaagad rumesponde ang mga tanod sa lugar at naabutan nila ang suspek na nanggugulo, nagsisigaw at hinahamon ng suntukan ang sinuman dakong alas-4:20 ng hapon.
Nilapitan siya ng mga tanod at inawat subalit, sa halip na makinig ay nagpatuloy pa rin ito sa panggugulo saka sinigawan at pinagsalitaan sila ng masasamang salita na naging dahilan upang arestuhin nila ito.
Gayunman, pumalag ang suspek saka kumaripas ng takbo na naging dahilan upang habulin siya ng mga tanod hanggang sa makorner at maaresto.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA