November 24, 2024

P2.1-M PAINTINGS AT MGA SANTO NILIMAS NG KATIWALA SA CAVITE

CAMP GENERAL PANTELON GARCIA, IMUS CITY, CAVITE — Kulungan ang bagsak ngayon ng isang katiwala sa bahay matapos na masakote sa ginawang follow up-operation ng mga pulis ng Alfonso Municipal Police Station at barangay officials dahil sa ginawang panlilimas ng halagang P2.1 milyon ng mga paintings at mamahaling mga santo sa Barangay Zambal, Tagaytay City at Alfonso sa Cavite, kahapon.

Base sa report nagtungo sa nabanggit istasyon ng pulisya ang biktimang si Manuel Francisco, 63-anyos, residente ng Barangay Esperanza Ilaya ng Alfonso Cavite, para ireport ang ginawang pagnanakaw ‘di umano ng suspek na si Virgilio De Lima, 30, stay-in house care taker sa bahay ng biktima.

Ayon sa biktima bandang alas-4:00 ng hapon ng parehong araw nang magtungo siya sa isa sa kanyang mga bahay sa Barangay Luksuhin sa Alfonso at nadiskubre niyang nawawala ang mga paintings at mamahaling mga santo na nakalagay doon nang wala naman umanong senyales na may ibang taong nakapasok dito kaya’t agad niyang inutusan ang kanyang driver sa kanyang warehouse sa Barangay Zambal sa Tagaytay City, para mag-inspeksyon at doon nalaman na nawawala din ang mga mamahaling paintings at santo.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Alfonso Custodial Facility at nakatakdang sampahan ng kasong Qualified Theft. (KOI HIPOLITO)