December 25, 2024

BODEGA SINALAKAY NG BIR, LIBO-LIBONG VAPE NAKOMPISKA

SINALAKAY ng Bureau of Internal Revenue (BIR), sa pangunguna ni deputy commissioner Jun Lumagui, ang isang warehouse sa Tondo, Manila ngayong araw. Nakompiska ang libo-libong unit ng vape mula sa umano’y illegal vape traders na hindi nagko-comply sa excise tax payments. Aniya, nalulugi ng P1.4 bilyon na kita ang pamahalaan dahil sa bentahan ng mga ipinagbabawal na vape. (Kuha ni ART TORRES)