HUMAKOT ng awards ang lokal na pamahalaan ng Quezon City mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, kabilang ang 2022 Seal of Good Local Governance award mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Isa ang Quezon City sa limang lungsod sa Metro Manila na tumanggap ng nasabing parangal mula sa DILG, kasama na ang Muntinlupa, Caloocan, Mandaluyong at Navotas.
“We are humbled and honored by the DILG’s recognition. This would further inspire the city government to work even harder to further improve our governance and enhance the delivery of services to our constituents,” saad ni Mayor Joy Belmonte.
Napanalunan din ng Quezon City ang naturang award noong 2019 bago pa man ang COVID-19 pandemic.
Itinatag sa bisa ng Republic Act 11292, ang Seal of Good Local Governance ay isang award, incentive at recognition-based program para sa lahat ng local government units (LGUs) upang patuloy na umunlad at mapabuti ang kanilang performance hinggil sa financial administration; disaster preparedness; social protection and sensitivity program; health compliance and responsiveness; programs for sustainable education; business friendliness and competitiveness; safety, peace and order; environmental management, tourism, heritage development, culture and arts; at youth development.
Naibuslo rin ng QC ang iba’t ibang awards mula sa DILG-National Capital Region (NCR) sa ginanap na 2022 Urban Governance Exemplar Awards.
Tumanggap din ng pagkilala ang QC bilang top performers sa ilalim ng Liquid Waste Management Cluster at Informal Settler Families Cluster dahil sa mahusay na pagkakaloob ng serbisyo sa mga kabataan noong 2019 at 2021.
Una nang kinilala ang QC bilang No. 1 city sa Pilipinas sa larangan ng local revenue generation sa apat na sunud-sunod na taon kaya’t ginawaran sila ng Hall of Fame award mula sa Department of Finance-Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF).
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY