December 25, 2024

Most wanted person ng Valenzuela, nalambat

SA kulungan ang bagsak ng isang 22-anyos na lalaki na listed bilang most wanted sa Valenzuela City matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Carlo Luis Cardino, residente ng Brgy. Balangkas ng lungsod.

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police ng impormasyon mula sa kanilang impormante na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Malanday.

Alinsunod sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted person, kaagad  nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PLt. Robin Santos ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cardino dakong alas-8:45 ng umaga sa M.H. Del Pilar Road, Brgy. Malanday,

Ani PLt Santos, si Cardino ay inaresto nila sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) ng Valenzuela City para sa kasong paglabag sa Section 10(a) of R.A. 7610 in relation to Section 6 of R.A. 10175 (2 counts).