ISINELDA ang isang estudyante na wanted sa kasong child abuse matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado bilang si Chris Rey Villaviray alyas “Chen-Chen”, 22 ng Block 10, Lot 5 Phase 3, E1, Pla-Pla St., Brgy., Longos.
Ayon kay Barot, alinsunod sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted person, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police sa pangunguna ni PCMS Edwin Castillo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Patrick Alvarado, kasama ang Sub-Station 5 at 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-4 ng hapon sa kanilang bahay.
Ani P/Major Alvarado, si Villaviray ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 5, 2022 ni Judge Catherine Therese M Tagle-Salvador ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Malabon City para sa kasong paglabag sa Section 5(b) of RA 7610 (Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.) (3 counts).
Piyansang P200,000 bawat bilang ang inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?