December 22, 2024

Urban gardening at aquaponics project, inilunsad sa Navotas

Dumalo si Mayor John Rey Tiangco sa inilunsad na Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), TESDA, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa mga bumbero ng Navotas City. Bilang paunang mga binhi ng proyektong ito, nagtanim sila ng lettuce at sili at nagsimulang mag-alaga ng tilapia. (JUVY LUCERO)

PORMAL na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Navotas City.

Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa mga bumbero ng ating lungsod.

Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad ng naturang proyekto ay si Mayor John Rey Tiangco.

Bilang paunang mga binhi ng proyektong ito, nagtanim sila ng lettuce at sili at nagsimulang mag-alaga ng tilapia.

Samantala, pinasinayaan at pinabasbasan sa pangunguna ni Mayor Tiangco ang bagong Tangos Fire Sub-Station sa B. Cruz St., Brgy. Tangos North. Ang lumang gusali ay pinalitan ng bago na mayroong tatlong palapag at mas modernong mga pasilidad.

Ayon kay Mayor Tiangco, bahagi pa rin ito ng BFP Modernization sa Navotas upang maging mas handa sa pag-responde ang mga bumbero ng lungsod sa anumang kalamidad o emergency.

“Kasama sa ating mga plano ang modernisasyon ng mga institusyon ng gobyerno sa ating lungsod at tayo ay natutuwa na naisakatuparan na ang mga ito” ani Tiangco.