UMARANGKADA na ang higit isang linggong training camp na ikino-conduct ni International Table Tennis Federation (ITTF) Level 3 Mohammad Atoum ng Jordan para sa naturang makabuluhang aktibidad sa Ateneo Blue Eagles Gym sa Quezon City mula nitong weekend hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan.
Ang maghapong kampo ay simula 8-11 sa umaga at 2-5 sa hapon na nilalahukan ng miyembro ng Ateneo men and women’s, national team’s mainstays John Russell Misal, Sheeyl Otañes, Keishebien Ablaza at dalawang junior players.
Sinabi ni Philippine Table Tennis Federation, Inc. president Ting Ledesma na sila ay lumiham sa ITTF upang padalhan sila ng international coach para makapagdaos ng mataas na antas ng training camp
“We are grateful to ITTF for granting our request. Our players will definitely learn a lot from attending the camp,” pahayag ni PTTFI president Ting Ledesma.
Bilang level 3 coach, si Atoum ay nakapag-conduct na ng training sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang naturang Jordanian ay may degree sa Sports Science at nakapagsilbi sa kanyang bansa bilang national team head coach mula 2016 hanggang 2020.
“Natural talent, skills, speed, discipline, rederation’s concern, resources, government’s assistance are main reason in building a global champion. Filipinos can excel,” saad naman ni Atoum.
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL