SHOOT sa kulungan ang dalawang lalaki matapos bintahan ng baril ang isang pulis sa naganap na buy bust oeration sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek bilang sina Manuel Ibot, 28 at John Romillo 28.
Ayon kay Col. Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant ang Station Intelligence S4ection (SIS) hinggil sa illegal na pagbebenta umano ng baril ni Ibot sa lungsod.
Kaagad isinagawa ng mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni P/Major John David Chua, kasama ang 4th MFC-RMFB NCRPO ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Ibot dakong alas-3 ng hapon matapos bintahan ng baril ang isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer.
Habang inaaresto bigla na lamang sinunggaban ng kanyang kasabwat na si Romillo ang arresting officer at nagkipagbuno para makatakas sila na naging dahilan upang posasan din siya ng mga pulis dahil sa obstruction.
Nakumpiska kay Ibot ang isang cal. 45, isang magazine na kargado ng pitong bala at buy bust money na dalawang pirasong tunay na P500 bills at 15 pirasong P500 boodle money habang nakuha naman kay Romillo ang isang pouch bag na naglalaman ng 10 pirasong bala ng cal. 45 baril at isang patalim.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), P.D. 1829 (Penalizing Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders) at B.P 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapons).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA