December 24, 2024

One Health Pass papalitan na ng e-arrival card

Babaguhin na ng Department of Health at Bureau of Quarantine ang gagamitin nitong health pass para sa mga byahero na papasok ng bansa. 

Ito ay bilang pagsunod na rekomendasyon ng Inter Agency Task Force na gawing electronic arrival card na lamang imbes na ang kasalukuyang One Health Pass. 

Mag tutulungan ang DOH, Bureau of Quarantine, Department of Information and Communications Technology, Department of Tourism  at Bureau of Immigration. 

Sa pamamagitan ng eArrival Card, nais ng DOH na gawing mas mabilis, maginhawa at epektibo ang health regulation at monitoring ng mga pumapasok sa Pilipinas. 

Sinabi ni DOH Regulation Team Officer-In-Charge Undersecretary Charade Mercado-Grand, lahat ng mga papasok sa bansa ay kailangan umanong magregister sa eArrival Card sa loob ng 72 hours bago ang kanilang pag-alis sa bansa na kanilang panggagalingan. 

Magiging mandatory ang pre-registration ng eArrival platform simula  November 1, 2022. 

Tanging ang mga detalye lamang ng isang byahero ang ilalagay tulad ng personal profile, flight details at health declaration ang hihingiin sa eArrival platform. 

Kapag na kumpleto ang registration, magpapadala ng QR code sa cellphone o kaya ay email na gagamitin naman sa pag-scan pagdating sa mga paliparan sa Pilipinas. 

Libre ang paggamit sa eArrival Card sa lahat ng mga byahero at ito ay pwedeng makuha sa official website na onehealthpass.com.ph.