NASABAT ng mga awtoridad sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P3.4 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga naarestong suspek bilang sina Marlon Padilla, 43, at Alexander Policarpio, 41.
Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon nang magsagawa ng joint buy bust operation ang mga operatiba ng PDEA IV-A Batangas PO at PDEA 4A Regional Special Action Team (RSET 1 and RSET 2), PDEA NCRO North District at Valenzuela police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Desturta Jr sa 4009 harap ng parking area, Go Gen. T Central Building, Brgy. Gen T De Leon.
Natimbog sa operation ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang limang knot-tied transparent plastic bags na naglalaman ng humigi’t kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P3,450,000.00 at buy bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA