UMALMA si Senadora Imee R. Marcos sa napakalaking pondo na hinihirit ng Commission on Elections (COMELEC) para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.
Sa press conference kanina, sinabi ni Marcos na “outrageous” (nakakapangilabot) ang hinihingi ng COMELEC na P10 bilyon na dagdag pondo sa BSK elections.
Napilitan si Marcos na ipagpaliban ang pagkilatis sa badyet ng COMELEC dahil sa kabiguan na magsumite ng anumang datos at hindi sinasagot ang tanong ng mga Senador.
“Pinagpipilitan pa rin nila na kinakailangan daw nila ng additional P10B on top of the PhP8.4 na nasa kanila na. Saan ka naman nakarinig ng eleksyon na magkaka-total ng halos PhP19B? Higit pa sa presidential elections? Parang hindi naman angkop lalo na sa panahong ito na hirap, ni wala na ngang mabiling pagkain at binabagyo pa sa Norte. Tama ba ‘to?” pahayag ni Marcos.
Tinanong din ni Marcos sa COMELEC ang voters turn-out ng mga OFW sa nakalipas na halalan dahil mababa pa rin ito.
“Ano ba ang magagawa natin para ang mga OFW ay makaboto? Ang sabi nila boboto daw online. Sabi ko, ipaliwanag Ninyo yang online nay an. Kasi ang record ng COMELEC ay laging naha-hack! Imaginen mo pa kung online voting. Unless nakapagpakita kayo ng cyber-secure voting system na talagang mapoprotektahan natin ang boto ng ating mga mamamayan overseas,” giit ni Marcos.
Kinuwestyon din ni Marcos kung bayad na talaga ang mga guro at iba pang trabahador noong nakaraang 2022 presidential elections.
“Inaalam ko rin ang workers compensation sa mga teacher at iba pang Board of Election Inspectors(BEI) kasi hanggang ngayon marami pang reklamo. Ipinagpipilitan ng COMELEC na bayad, sabi ko asan ang resibo?,” dagdag pa ng Senadora.
Bukod dito, nagtanong anya si Senate Minority Leader Koko Pimentel III kung ang Smartmatic ay habambuhay na bang nakakontrata sa COMELEC.
“Wala na bang makakapasok na Pilipino o dayuhan na makikipag-sosyo sa Pilipino para makapasok o talagang Smartmatic na tayo forever and ever,” ani pa ni Marcos
Kinuwestyon din umano ni Pimentel ang usapin sa vote-buying sa nakaraang eleksyon.
Humingi naman si COMELEC commissioner George Garcia ng paumanhin kay Marcos dahil hindi sila nakapag-handa ng mga ipinasusumiteng dokumento at mga detalye.
Giit ni Garcia kakailanganin ng COMELEC ng ₱17.5 billion para sa nakatakdang eleksyon sa October 2023.
“So, 17.5 minus 7.5, ‘yun po ‘yung tamang pagtaya at pag-compute doon. So kakailanganin po namin, more or less, ng mga P10 billion,” pahayag pa ni Garcia.
Noong 2022, umabot sa PhP28.4B ang badyet ng COMELEC kasama na ang PhP8.441B para sa pagdaraos ng BSKE.
Sa Php8.441-B na pondo sa BSKE, umabot na sa halos PhP1 bilyon ang kabuuang halaga na ginastos ng COMELEC sa paghahanda sa halalan sana ngayong December 2022.
Nangako si Garcia na magsusumite sila ng mga hinihinging dokumento ni Sen. Marcos sa susunod na hearing.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna