BUKAS sa ideya ang dating eight- division world champion Manny Pacquiao na kanyang haharapin ang magwawagi sa bakbakang Errol Spence, Jr. kontra Terrence Crawford na niluluto na para sa titulo ng naturang unification bout.
Seryoso si Pacman na kalabanin ang magwawagi sa naturang bakbakan ng dalawang batikang mandirigma sa kwadradong lona kung matutuloy na ang matagal nang nabalam na megabuck fight.
Pero bago mangyari ito ay kinakailangan ng Pambansang Kamao na manaig sa isang fighter na world ranked boxer upang mapatunayang kaya pa nyang makipagsabayan sa larong pinaghaharian ng mga kampeon halos kalahati na ng kanyang edad.
Kahit na ang isang kalaban pa niya ay ang edad at father time, nakuha pa rin niyang makipagsabayan kay Yordennis Ugas ng Cuba sa kanyang pinakahuling laban bago sumabak sa pulitika.
Nang tanungin si Pacquiao ng mga miyembo ng media sa naturang presentasyon sa paparating niyang laban sa Korea.. ” Why not? If that’s possible. We’ ll see the result first… I will watch,” sagot nya sa mga tanong hinggil sa kanyang napipintong pagbabalik sa lona.
Si Pacquiao ay may nakatakdang exhibition match sa Disyembre sa isang fighter na Koreanong mixed martial artist pero higit dito ay kailangan munang mapasabak siya sa mga tunay na boksingero na nasa top 20 ang ranggo sa mundo bago ang planong big fight nina Spence, Jr. vs Crawford ayon sa isang eksperto sa larangan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA