HINDI na hahayaang humulagpos pa ang title belt na asam ni Rene ‘Israel Catalan, Jr. sa kanyang pagsabak sa bateranong katunggaling si Romeo Tenorio, Jr. sa kanilang paghaharap para sa kampeonato ng Philippine Encuentro Championship Pro-Am 9 na hahataw sa Nobyembre 5, 2022 sa Buena Park, Caloocan City.
Ang 17-anyos na si Catalan, anak ni Asian Games at Southeast Asian Games wushu multi-gold medalist Rene Catalan, Sr. ay sisikaping masungkit na ang titulong ‘di nahablot noong PEC 8 at naging runner-up sa naturang mixed martial arts competition.
Ang batang Catalan ay nasa stable ng kanyang amang Catalan Fighting System Mixed Martial Arts habang ang katunggali ay pambato ng team Maungon Sarangani na magduduwelo sa 115 lbs category at undercard ng main event na Marcus Blogun vs Mhar John Manahan sa I55 pounds.
Ang ibang mga pambato ng Catalan Fighting System MMA ay sumasabak rin sa mga fight nights ng inoorganisa ng URCC Global.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA