May 19, 2024

International Dragonboat Festival sa ‘Pinas Ilalarga ng R&A Events Specialist

Dahil sa matagumpay na pagdaraos ng Sagwan Dragonboat Race Festival sa Balai Isabel, Talisay sa Batangas, nais nang ikalendaryo ni special events icon/organizer Ricci Ang ang isang kaganapang karera ng dragonboat for a cause sa madaling hinaharap.

“Sports,Tourism and job opportunity ang ating adbokasiya at ito ay isang mission possible basta kapit-bisig ang lahat ng konsernadong Filipino tulad ng teamwork ng ating mga paddlers sa larangan ng dragonboat,” wika ni Ang, awardee sa iba’t ibang larangan sa negosyo, turismo, kultura, entertainment, sports at iba pa.

Kanya ring ipinahayag na laging handa siyang tumulong sa mga atleta ng dragonboat na kayang mag-excel ng Filipino sa international competitions.

Ang dragonboat ay nasa timon ng Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation sa timon ni President Teresita Uy at national coach Len Escollante.