November 24, 2024

NAVOTAS NAGTATAYO NG MAS MARAMING SCHOOL BUILDINGS

MAY apat pang karagdagang school buildings ang itatayo ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng isinagawang groundbreaking sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco sa San Roque Elementary School, San Rafael Village Elementary School, at Kaunlaran High School ay may four-storey building bawat isa na may walong mga classrooms habang ang Dagat-dagatan Elementary School ay may apat na four-storey building na may 12 classrooms. (JUVY LUCERO)

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang isinagawang groundbreaking ng bagong itatayong mga gusali ng apat na public schools sa Navotas City.

Ang San Roque Elementary School, San Rafael Village Elementary School, at Kaunlaran High School ay may four-storey building bawat isa na may walong mga classrooms.

Samantala, ang Dagat-dagatan Elementary School ay may apat na four-storey building na may 12 classrooms.

Noong September, sinimulan din ng lungsod ang pagtatayo ng apat na palapag na gusali sa tatlong pampublikong paaralan.

Sa pagpapatuloy ng full face-to-face classes ngayong taon, umaasa si Mayor John Rey Tiangco na mabilis na matapos ang mga gusaling ito.

“Education has always been our priority. As much as possible, we want to avoid classrooms getting overcrowded with the influx of students and to minimize shifting classes,” aniya.

“We hope to provide a conducive learning environment for students in Navotas to ensure that they would get the highest quality of education we can deliver,” dagdag niya.

Noong nakaraang Marso, pinasinayaan ng Navotas ang 11 school buildings na may kabuuang 128 classrooms habang dalawa pang paaralan ang inaasahang magkakaroon ng kanilang groundbreaking ceremonies ngayong taon.