NAGPASIKLAB si Pinoy reinforcement Kiefer Ravena upang pangunahan ang kanyang koponang Shiga Lakes sa 96-88 overtime na panalo kontra Niigata Albirex sa pagpapatulong ng 2022-23 B-League season nitong weekend sa Ukaru Chan Arena sa Japan.
Kumamada ng 10 puntos ang Filipino guard kaakibat ng 8 assist, 1 steal sa kanyang 32 minutong paglalaro upang saklitin ng Lakes ang kanilang buwenamanong panalo ngayong season.
Ang assist ng COCOLIFE Sports Ambassador na si Ravena kay Yusei Suguira na tumikada ng jumper para sa go ahead basket,1:31 sa extra period at ang pasa nito kay Teppei Kashiwajura na nagpahaginit ng pambaling gulugod ng Niigata na tres para sa insurance basket, 94-88 sa endgame bago ang isa pang kombersiyon sa last Lakes’ offense.
Ang dating PBA superstar na naging Mystical 5 at Most Valuable Player bilang Atenean at national team member ng Gilas Pilipinas kasabay ng pagiging COCOLIFE Ambassador for Sports ang tiyak na magiging marksman na sa mga liga ng mga Hapones na may Filipino-flavored players tulad ni Ravena.
Si Kiefer ay anak ni dating PBA star Bong Ravena at kapatid ni Thirdy na reinforcement player din sa B-League ng Japan.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD