MALUBHANG nasugatan ang isang binata matapos pagkakasakin ng isang menor-de-edad na lalaki nang sitahin niya ang grupo ng mga minors dahil sa ingay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Inoobserbahan sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Gil June Resco, 21 ng Bicol Area, Pabahay, Brgy. Tanza 2.
Sa ulat ni PSSg Levi Salazar kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang nag-iinuman ang biktima at kanyang mga kaibigan dakong alas-3:30 ng hapon nang makarinig siya ng ingay mula sa mga menor-de-edad na naglalaro sa kahabaan ng Pabahay, Brgy. Tanza 2.
Sinita umano ng biktima ang mga menor-de-edad at sinabihan na pumunta sa ibang lugar dahil sa ingay at kaguluhan na ginagawa nila na nakakaisturbo sa publiko.
Gayunman, nang pabalik na ang biktima sa kanyang mga kaibigan ay isa sa mga menor-de-edad ang biglang bumunot ng patalim at ilang beses na inundayan ng saksak sa katawan si Resco bago mabilis na tumakas.
Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan habang nagawa namang maaresto ng mga tanod ang suspek na menor-de-edad na pansamantalang nasa pangangalaga ngayon ng CSWDO.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA