December 24, 2024

BAGONG BUHAY PARA SA NAVOTAS REHAB GRADUATES

Bagong buhay ang naghihintay sa 35 Navoteño na dating gumagamit ng droga (PWUDs) matapos makapagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Ani Mayor John Rey Tiangco, ang Bidahan ay binubuo ng anim na buwan ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at anim na buwan pang aftercare. (JUVY LUCERO)

MAY naghihintay na bagong buhay sa 35 Navoteño na dating gumagamit ng droga (PWUDs) matapos makapagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng pamahalaang lungsod ng Navotas

Ang Bidahan ay binubuo ng anim na buwan ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at anim na buwan pang aftercare.

Ang mga kalahok ay sumasailalim sa isang lingguhang weekly psychoeducation lectures, counseling sessions, group therapy sessions, relapse prevention sessions, at life skills training. Nagsasagawa rin sila ng random drug testing upang matiyak na sumusunod sila sa programa.

Kinilala ni Mayor John Rey Tiangco ang lakas ng loob ng mga kalahok na aminin ang kanilang pagkagumon at sa wakas ay nagsikap na malampasan ito.

“Bidahan is just the first step in the long road of healing and recovery,” sabi niya.

“The challenge now is keeping them drug-free. We are hopeful that with the care and support of their family and loved ones, they will be able to lead better lives as productive members of society,” dagdag niya.

Ang Bidahan ay may humigit-kumulang 721 mga nagtapos mula 2016-2019. May 285 na PWUD ang nagtapos sa ilalim ng CBDRP mula noong 2017 habang 82 naman ang nakatapos ng aftercare program mula noong 2018.