
NAGSAGAWA ng turnover ceremony ng donated na 50 new Motorcycle units kasama si Atty. Lucas M Managuelod F.I.C.D, Chairman and CEO, PSSLAI na siyang Guest of Honor and Speaker.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni NCRPO acting regional director PBGen. Jonnel Estomo na isingawa sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ang karagdagang 50 units na motorsiklo na ipinagkaloob sa NCRPO mula sa PSSLAI ay ipapakalat at mag-iikot sa Metro Manila.
Ayon kay Estomo, patuloy at lalo pang papaigtingin ng kanilang hanay ang presensya ng pulisya sa lansangan sa pamamagitan ng “Genuine Police Visibility” kasama ang Mobile Police Outpost, Mobile Patrol, Checkpoints at Motorcyle Patrol para sa mabilis na pagresponde.
More Stories
DTI itinurnover ang P30-M improved farm-to-market road sa Lanao del Norte
BABAENG SOUTH KOREAN NA WANTED SA RENTAL SCAM NADAKMA
iFWDPH program naglalayong matulungan ang mga OFW na magkaroon ng mga negosyo na nakabase sa teknolohiya