OPISYAL nang idineklara ng Cambodia Southeast Asian Games Organizing Committee ang inklusyon ng Chinlone sport bilang isa sa medal event ng 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023.
Ito ang ipinabatid ng isa sa top brass ng Philippine Chinlone Association Inc. (PCAI) Solomon Bernardo Padiz kung saan ay kalahok ang Pilipinas sa event ng naturang biennial meet.
“Definitely we are going for medals of any color. Kakasa ang mga bata kahit kontra sa powerhouse Myanmar”, wika ni Padiz, anak ng tinaguriang Ama ng Sepak Takraw sa bansa na namayapang Servillano Padiz.
Ayon sa dating DeLa Salle University Sports Director (Manila/Laguna) at kasalukuyang lisensyadong technical referee ng Chinlone na si Padiz, marubdob na ang ginagawang paghahanda ng Asian Chinlone, Incorporated para sistematikong maisaayos lahat na kailangan bago mairaos ang event na national sport ng bansang Myanmar.
Si Padiz na current National Assemblyman ng NCR 11 Fraternal Order of Eagles at President-elect ng Uptown Sta. Rosa Rotary Club ay kabilang din sa pormal na nag-promote ng sport sa Timog Silangang Asia kasama ang chairman ng Philippine Olympic Committee OC at VP Asian Chinlone na si Steve Hontiveros sa nakaraang Asian Chinlone Federatiòn Conference na pinangunahan ni AC head Soi Naing ng Myanmar.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan