NAGPAKAMATAY ang isang construction worker sa pamamagitan ng pag-inum umano ng lason sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Joseph Provido, habang umiinom ng alak ang 42-anyos na biktima sa kayang bahay sa Building 9, Room 10, Socialized Housing, Brgy., Tanza 2, dakong alas-4 ng hapon ay kumuha ito ng pera sa kanyang bulsa at sinabi sa saksing si alyas Den, 28, na ibigay ito sa kanyang mga pamangkin.
Sinabi din ng biktima sa saksi “Den, baka ang araw na ito ang huli nating pagkikita” saka naglagay ng kanyang inumin kung saan inawat siya ng saksi at nakipagkuwentuhan sa kanya hanggang sa malaman niya na may problema ang biktima sa kanyang pinagtatrabahuan.
Pagkatapos nito, galit umanong pinalabas ng biktima ang saksi at mga pamangkin sa bahay kaya kaagad pinuntahan ng saksi ang kanyang ina sa katabing gusali upang humingi ng tulong.
Pagbalik nila, nakita nila ang biktima na nakahandusay sa sahig habang hinahabol ang hininga nito at mahigpit na pinipisil ang mga kamay niya na naging dahilan upang agad na isugod nila sa Navotas City Hospital kung saan siya idineklara na dead on arrival ng kanyang attending physician
Nakatakdang isailalim sa autopsy examination ang bangkay ng biktima upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA