NAKUMPLETO na kahapon ang binubuo ng top four sa papatapos nang 1 United Philippines Baseball Championship na humahataw sa Sto Niño Ballpark sa Marikina City.
Nauna nang naging semifinalist ang Katayama Baseball Academy (KBA) Stars ni team owner Keiji Katayama matapos patalsikin ang University of the Philippines (UP) Maroons habang ang Thunders ng Marikina City ay umusad sa final four matapos gulantangin ang powerhouse Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles upang sila ang magkakatapat sa unang tikada ng semis.
“We’re ready to shine on Sunday (Oct. 8) against a dangetous rival. Our Stars are determined to advance for the championship. Stay focus, play ball ang have fun,” wika ni Katayama na siya ring playing coach tulad ni celebrity/sportsman Gary Ejercito katuwang sina coaches Joseph Orillana at Jonnard Pareja.
Ang KBA Stars ay binubuo nina Raymond Nerosa, Kyle Rodrigo Villafaña, Ignacio Estacio, Juan Alvaro Macasaet, Juan Diego Lozano,Arvin Meynard Herrera, Lesmar Ventura, Gerald Riparip, Vicente Barandiaran, Anton Rosas, Danric Cartativo, Marlon Gonzales,Sean Jeremy Salaysay at Jason Salamida.
Ang isa pang semifinal game ay hahataw sa pagitan ng IPPC kontra Tanauan.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI