INILUNSAD kaninang umaga ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang kanilang mobile police outpost na siyang magagamit na movable outpost kahit saan lugar ilagay o ilipat kapag kinakailangan sa isang lugar.
Ang naturang proyekto ay sinimulan sa ilalim ng pamumuno ni NCRPO OIC Chief P Brig Gen Jonnel Estomo.
Sa isinagawang inspeksyon kanina ni NCRPO Spokesperson P Lt Col. Dexter Versola kasama si NCRPO PIO Chief P/ Major Anthony Alising sa Aseana sa harap ng PITX sa lungsod ng Paranaque ipinagmalaki ng mga opisyal ang naturang proyekto.
Ayon kay Col. Versola mapapansin na may gulong ang ka ilang ipinatatayong outpost sa may mga susunod pa silang ipapatayo dahil magagamit ito sa mga lugar na agarang kailangan ng mga outpost at mga pulis na magbabantay dito.
Inihalimbawa pa ni Versola ang nalalapit na araw ng mga Patay kung saan maaring ilipat nila ang mobile police outpost sa mga malalapit sa mga sementeryo at kung malapit naman ang panahon ng kapaskuhan maililipat naman nila ito sa mga matataong lugar na kadalasang dinaragsa kapag papalapit na ang araw ng pasko.
Iginiit ni Col. Versola na pagpapatunay lamang ito na seryoso ang NCRPO sa pamumuno ni Brig. Gen. Estomo na maging ligtas ang mamamayan sa Kalakhang Maynila laban sa anumang kriminalidad.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI