November 23, 2024

4 DRUG SUSPECT ARESTADO SA BUY-BUST SA RIZAL

ARESTADO ang apat na lalake na sangkot sa talamak na bentahan ng bawal na droga sa lalawigan ng Rizal, madaling-araw ng Setyembre 22.

Kinilala ang apat na suspek na sina John Carlo Santos, leader ng John Carlo Santos Drug Group; Janice Sesbreño, miyembro ng John Carlo Santos Drug Group; Mark Nelson Belleza, high value individual at pusher; at Efraim Hernandez, high value individual at user.

Nasakote  ang apat  sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal Police Intelligence Unit sa Sitio Tadlak, Brgy. Looc, Cardona, Rizal.

Sa report ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic L Baccay kay Calabarzon Acting Regional Director Police Brigadier Jose Melencio C Nartatez Jr, isang alyas Dune na kilalang lider ng John Carlo Santos Drug Group ang sangkot sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa Cardona.

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Rizal PIU at Cardona MPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa  mga salarin.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang sampung pirasong maliliit na plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu; pouch; isang piraso ₱1,000 bill na buy-bust money at iba pa.

Ayon kay Col. Baccay, nagkakahalaga ng ₱340,000 ang nasamsam na bawal na droga sa mga suspek na ipinagharap ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165.