Sa kabila nang nalalapit na NBA restart, hindi nakaligtas sa bagsik ng COVID-19 si Houston Rockets star guard Russell Westbrook. Inamin ni Westbrook sa kanyang social media post na nagpositibo siya sa Coronavirus; at ngayo’y sumasailalim sa quarantine.
Ilang araw bago ang magtungo ng Rockets sa Walt Disney World sa Orlando, Florida para magsanay, sumailalim sa test ang player. Fito na nalaman ni Westbrook na nagpositibo siya sa nasabing karamdaman.
Dahil sa nangyari, hinihimok ni Westbrook ang mga fans na huwag ipagwalang-bahala ang ipinatutupad na health protocols; kagaya ng pagsusuot ng face mask.
Umaasa naman ang player sampu ng kanyang mga kakampi na makakasama siya sa pagsisimula ng restart sa Hulyo 30 kapag natapos na niya ang quarantine period.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2