January 21, 2025

HOUSE HEARING SA 2025 OVP BUDGET, SINABAYAN NG PROTESTA

Ryan San Juan

SINABAYAN ng Bagong Alyansang Makabayan ng protesta sa labas ng Batasang Pambansa ang pagpapatuloy ng pagtalakay ng panukalang pondo para sa susunod na taon ng Office of the Vice President (OVP).

Suot ang “pusit” headdress, pinuna ng grupo ang naging asal ni Vice President Sara Duterte sa naging pagharap nito sa unang pagdinig sa budget ng kanyang tanggapan.

Magugunitang sinabi ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro na ang pusit ay nagbubunga ng maitim na tinta kapag nasusukol na kapareho aniya ng asal ni VP Duterte.

Pumapalag ito kapag nasusukol dahil sa mga isyu sa paggamit nya ng pondo lalo na kapag nauungkat ang isyu ng paggastos nito ng confidential funds.

Nanawagan din sila na buwagin ang pork barrel funds, na nagiging source ng korapsyon, at hinimok ang mga mamababatas na ilipat ang confidential funds sa mga mahahalagang serbisyo tulad ng edukasyon, healthcare at pabahay.