January 27, 2025

Honey mas mabisang gamot sa ubo at lagnat keysa sa antibiotics – study

LUMALABAS sa pag-aaral na mas mabisang panggamot sa ubo, baradong ilong at namamagang lalamunan ang pag-inom ng honey.

Ang naturang sangkap ay mas mura, madaling magagamit, at walang side-effects.

Ayon sa mga dalubhasa, mas epektibo rin ang honey sa pagtanggal ng mga sintomas tulad ng lagnat at  trangkaso keysa sa karaniwang commercial remedies.

Maari itong irekomenda ng mga doktor sa kanilang mga pasyente bilang alternatibong gamot sa antibiotics, na madalas inirereseta para sa naturang mga impeksyon, kahit na hindi ito epektibo at may side effects pa.

Lumalabas sa isinagawang pagsusuri ng mga physicians sa Oxford University’s Medical School at Nuffield Department of Primary Care Health Science ang mga ebidensiya kung papaano tumutugon ang honey sa mga sintomas sa upper respiratory tract infections (URTIs).

Ang URTI  o ang sakit na dulot ng isang matinding impeksiyon sa baga na kinabibilangan ng ilong, sinuses, pharynx o larynx.

“Honey was superior to usual care for the improvement of symptoms of upper respiratory tract infections,” isinulat nila sa journal ng BMJ-Evidence-Based Medicine.

“It provides a widely available and cheap alternative to antibiotics. Honey could help efforts to slow the spread of antimicrobial resistance, but further high quality, placebo controlled trials are needed.”