September 20, 2024

Hollywood actress Sharon Stone, tinamaan pala ng kidlat

Kilala n’yo pa ba ang Hollywood actress na si Sharon Stone? Isa siya sa sikat na female stars noong dekada 90.

Ibinulalas ni Sharon na 3 beses na siyang muntikang mamatay. Ayon sa Golden Globe winner, tinamaan siya ng kidlat. Naaaksidente rin siya noon sa edad na 14.

Noong 2001, na-stroke ang 62-anyos na aktres. Ngunit,nalampasan niya ito. Naging markado si Stone sa ‘Basic Instinct’ movie noong 1992.

Nagtambal din sila ni Sylvesters Stallone sa action film na ‘The Specialist’.

 “I’ve had a lot of things, it’s crazy.”

I had my neck cut to a sixteenth of an inch from my jugular vein when I was 14 on a clothesline.

“I’ve been hit by lightning and, wow, that was really intense,” bulalas ng aktres.

Aniya, noong nasa balon siya na nasa kanilang bahay, nilagyan niya ng tubig ang plantsang gawa sa bakal. Bigla na lang kumidlat nang sandaling iyon. 

Tinamaan ang plantsa.Tumilapon siya sa kusina’t tumama sa pridyeder.

Thankfully my mum belted me round the face and brought me to.”

“It’s like, ‘How am I going to die next time?’ Probably something super dramatic and nuts,” aniya.

Sa ngayon, may palabas sa Netflix ang aktres na ‘Ratched’. Ang setting nito ay noong 1940’s.