
NASUKOL ng Taguig police ang lalaking nangholdap umano sa 12-anyos na estudyante sa Barangay Calzada Tipas nitong Marso 19.
Kinilala ng Station Investigation and Detection Management Section ng Taguig PNP ang 22-anyos na suspek na si Art Imperial, residente ng Barangay Kalawaan, Pasig na naaresto isang araw bago ang nangyaring umano’y panghoholdap.
Batay sa imbestigasyon, nilapitan ng suspek ang biktima para magtanong ng direskyon at pagkatapos ay tinakot na nito ang huli para ibigay sa kanya ang cellphone.
Nakilala ang suspek batay tulong ng CCTV footage na nauwi sa kanyang pagkakaaresto.
Hawak na ngayon ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong robbery through Intimidation.
More Stories
HOUSE PROSECUTORS HINILING SA SENADO NA MAGLABAS NG WRIT OF SUMMONS VS SARA DUTERTE
REGISTERED OWNER AT DRIVER NG DUMP TRUCK NA SANGKOT SA AKSIDENTE SA EDSA BUS CAROUSEL SA QC IPINATATAWAG NG LTO
MAYOR BASTE, GRINGO HONASAN MAGHAHAIN NG PETISYON SA ICC PARA MAIBALIK SI FPRRD SA ‘PINAS