Patay ang tatlong katao matapos pagbabarilin sa loob mismo ng tinutuluyan nilang transient house sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City, Linggo ng madaling araw.
Nasawi sa pamamaril ang 25-anyos na babaeng overseas Filipino worker, 35-anyos na Grab driver, at 22-anyos na estudyante.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya ng Taguig, pasado alas-3 ng madaling araw nang may marinig na sunod-sunod na putok ng baril sa nasabing transient house.
Dito na natuklasan ng mga saksi na pawang nakahandusay sa sahig ang mga biktima.
Dead on the spot ang dalawa sa kanila, habang nadala pa sa Taguig-Pateros District Hospital ang estudyante ngunit binawian rin ng buhay.
May person of interest na ang pulisya sa insidente. Ayon kay Police Col. Robert Baesa, acting chief of police ng Taguig Police Station, dating karelasyon ng biktimang 25 anyos na babaeng OFW ang suspek.
Dagdag pa ni Baesa, paalis na dapat ang biktima ngayong araw.
“According sa mga nakuhanan naming sa kamag-anak nung babae, dapat ito po ay bibyahe ngayong araw, alas-nuebe. Magkakasama pa po sila nung suspek, nagkahiwalay dahil tumira nga sa Mindoro ‘yung babae. Manhunt po, hinahanap pa po’ yung suspek na dating kinakasama. Kung may nalalaman po kayo, puwede pong i-report dito sa aming tanggapan,” aniya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA