HIGIT sa isandaang master athletes na nasa edad-30 pataas ang kakaripas sa unang kumpetisyon ng taon na National Master and Seniors Athletics Association of the Philippines – 2023 NMSAAP Athletic Meet sa Ilagan Isabela sa Marso 21.
Ang naturang kaganapan na pasakalye na sa ICTSI Philippine Athletics Championship.
Ito ay susundan ng pagtìkada ng 5 THROWS FOR ALL- PHILIPPINE MASTERS ATHLETIC CHAMPIONSHIP 2023 sa Philsports Complex,Pasig City .sa Abril 14-16.kung saan ay inaasahang aaabot sa 500 atleta ang malikipagtunggali sa prestihiyosong event
Ang STFO ni Atty. Alberto Agra ang siyang title sponsor na may temang” building better throwers and expand the throwing community.
Nakaka-excite din ang team championship awards para sa mga malalaki at competitive teams.
Ito rin ang magiging barometro o qualifying event para sa NMSAAP members at non- members sa darating na 22nd Asia Masters Athletcs Chamlionships.
Isang higanteng hakbang ito para sa Pilipinas na opisyal namang ipinagkaloob dito ng Asia Athletic Association upang igawad nito ang 22nd AMAC na lalarga sa Clark City Capas,Tarlac sz Nobyembre 8-12,2023.
Mahigit sa 2,000 atleta ang lalahok sa limang araw na kumpetisyon sa pinakamalaking Masters Athletics championships sa rehiyon.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag