September 28, 2024

‘HIPON GIRL’ HERLENE BUDOL, GUSTONG MAKATUKAAN SI ALDEN

Gumagawa na ngayon ng pangalan si Herlene Budol aka ‘Hipon Girl’ sa showbiz. Nagiging visible na siya sa ilang palabas sa Kapuso Network. Katunayan, regular na siyang napapanood sa ‘Bubble Gang’. Bukod pa ito sa daily show na ‘Wowowin’.


Pero, natawa kami nang sabihin niya na peg kung sakaling mayroon siyang bagong projects. Game ba siya sa kissing scene. Mapa-telebisyon man o pelikula. Aniya, nahihiya siya.


Kasi, di pa raw siya marunong mag-toothbrush.

“Ayoko, nahihiya ako! Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush. Hindi ko ma-imagine na may ka-kissing scene ako! banat niya habang tawa ng tawa.

‘O marahil nasabi niya ito dahil bibihira siyang magsipilyo. Nakakatuwa talaga si Herlene. Natural na natural. Kapagnagsalita na siya, matatawa ka na.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makahalikan o maka-love scene, kinilig siya nang banggitin ang mga pangalan nito.

“Ayoko. Ayoko! Ha-hahaha! Joke lang! Pero sina Dennis Trillo, Ruru Madrid at Alden Richards…kinikilig ako sa kanila!”aniya.