December 24, 2024

HINDI PA ITO ANG HULING PANDEMIC NA MAGAGANAP – WHO

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) chief na hindi pa ito ang huling pandemya na magaganap sa buong mundo.

“This will not be the last pandemic, nor the last global health emergency,” ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus kasabay ng inilunsad na Glolbal Preparedness Monitoring Board (GPMB) 2020 report.

Saad niya na hindi natin alam kung kailan ang susunod na health emergency, pero alam nating na mangyayari ito at kailangan daw nating maging handa.

Inilbas ni Tedros ang naturang pahayag matapos lumagpas sa 29 milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan 924,953 ang kumpirmadong namatay at nasa 19.7 milyon ang nakarekober, ayon sa Johns Hopkins University ng US.

Sinabi rin ng WHO na 308,000 na kaso ang nahahawa kada isang araw sa nakamamatay na virus.

Wika pa ni Tedros na ang sangkatauhan ay may responsibilidad na mas maging handa para sa susunod na pandemya.

Dagdag pa niya na itong COVID-19 pandemic ay maraming kinuhang buhay at kabuhayan, nagpadapa sa sistema sa kalusugan, ekonomiya at lipunan.

“Even countries with advanced health systems and powerful economies have been overwhelmed,”  ani Tedros.

Pero marami ng mga bansa na naging maayos ang pagtugon sa COVID-19 dahil natututo na sila sa mga nakaraang mga outbreak gaya ng SARS, MERS, H1N1, Ebola at iba pa.

“We can no longer wring our hands and say something must be done,” ayon sa opisyal.

Tanong pa ni Tedros, kailan pa pa tayo matututo at gagawa ng hakbang para mas maging ligtas ang mundo.

 Saad niya, “We do not know what the next health emergency will be, but we know it will come. And we must be prepared.” LIMUEL TOLENTINO