
NASA kritikal na kalagayan ang isang 43-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng tenant ng kanyang kapatid sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Inoobserbahan sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Ligaya Cabrera, 43 ng 103 Quintos st., Brgy., San Jose.
Patuloy naman ang manhunt operation ng pulisya upang maaresto ang suspek na kinilalang si Mark Vincent Picoro, tenant ng kapatid ng biktima sa pinaupahang kuwarto.
Sa report ni PSSg Joseph Provido kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-12:30 ng madaling araw, nakatayo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng kitchen knife at inundayan ng tatlong saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan si Cabrera.
Ilang kaanaak ng suspek na nakasaksi insidente umawat sa kanya kaya agad itong tumakas patungong Gov. Pascual Street at iniwan ang duguang patalim na ginamit sa pananaksak habang isinugod naman ang biktima ng kanyang manugang sa nasabing pagamutan.
Narekober ng pulisya ang kitchen knife na ginamit sa pananaksak habang kabilang sa tinitignan ng pulisya na posibleng motibo sa insidente ay personal na galit at hindi nabayarang upa ng suspek sa bahay ng higit walong buwan. (JUVY LUCERO)
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente