
NASAMSAM ng pulisya ang P.4 milyong halaga ng shabu sa isang tulak ng droga na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo ang naarestong suspek na si alyas “Pretty Boy”, 35.
Ayon kay Col. Arnedo, ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng suspek.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng DDEU dakong alas-11:55 ng gabi sa Karuhatan Public Cemetery, Brgy. Karuhatan.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P408,000, buy bust money at P200 cash.
Ani SDEU investigator P/MSgt. Ana Liza Antonio, iprinisinta na ang suspek sa inquest proceeding para sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 na isinampa laban sa kanya sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela City Police Station para sa kanilang mabilis at epektibong aksyon na nagresulta sa matagumpay na operation.
More Stories
CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?
MATAPOS ANG NETFLIX, IBA PANG APP TATAAS NA RIN ANG PRESYO DAHIL SA VAT
“3 Pinoy Seaman Nakakulong sa Algeria, Mga Asawa nagpasaklolo kay PBBM