January 23, 2025

HIGIT 500 HEKTARYA NG BAKAWAN SA MANILA BAY MAAPEKTUHAN NG OIL SPILL

Mahigit 500 hektarya ng mangrove forest sa paligid ng Manila Bay ang maaring maapektihan ng Bataan oil spill. ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isinagawang pagdinig ng Senado.

Sinuri ng Biodiversity Management Bureau (BMB) sa ilalim ng DENR ang mga kritikal na ecosystem sa loob ng 30 kilometrong radius mula sa ground zero kung saan lumubog ang MT Terranova. Ang mga posibleng maapektuhang lugar na ito ay:

  • Mangrove forests: 563.39 hectares
  • Seagrass meadows: 2,162 hectares
  • Coral reef systems: 2,042 hectares
  • Asian waterbird census sites: 44 sites

“These are areas which we continue to watch and monitor,” saad ni Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga.

Ang Asian waterbird census sites ay natural at man-made wetlands na mahalagang tirahan para sa migratory birds. Isang halimbawa ay ang Las Piñas-Parañaque Wetland Park, isang protected area na matatagpuan sa timog ng Manila Bay. Natapos kamakailan ng mga tauhan ng wetland park ang apat na improvised 100-meter oil spill boom.

Nabanggit ng BMB na ang assessment ay subject pa rin ng onsite validation. Ang huling update ng resulta ay noong Agosto 4.