January 23, 2025

HIGIT 200 ‘DI LISENSIYADONG BARIL, P2-M SHABU NASABAT SA CENTRAL LUZON

NAKUMPISKA ang mahigit sa 200 hindi lisensiyadong baril matapos ang isang buwan na Oplan Katok operation sa Central Luzon.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 3 Director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., nagsimula ang operasyon mula Marso 19 hanggang Abril 19, 2024, kung saan nagbahay-bahay ang pulisya sa mga may-ari ng baril na hindi nakapag-renew ng kanilang lisensiya.

 “May these figures remind us that owning or possessing a firearm entails responsibility and every gun holder is accountable and responsible to follow the provisions of the law,” ayon kay Hidalgo.

Samantala, nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa P2 milyon halaga ng illegal na droga mula sa limang katao sa Pampanga.

Noong Biyernes, nadakip ng Angeles City Drug Enforcment Unit-Angeles City Police Office, ang dalawang suspek sa ikinasang buy-bust sa kahabaan ng Kalayaan Road sa Barangay Cutcut

Nasabat sa kanila ang 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.

Sa hiwalay na operasyon noong Sabado, nadakip naman ng pulisya ang dalawang drug suspect sa Barangay del Pilar, San Fernando City at nakumpiska ang 215 gramo ng shabu na may halagang P1,462,000.

Sa Barangay San Isidro, San Fernando, nadakma naman ang isang suspek at nakuha ang P612,000 halaga ng shabu.