PINAYUHAN ni Hidilyn Diaz ang mga Filipinong atleta na sasabak sa Paris Games para sa pinakamalaking laban ng kanilang karera.
Nagbigay ng mensaheng pampatibay ng loob si Hidilyn, ang una at tanging Filipina na nanalo ng gintong medalya sa Olympic, sa mga miyembro ng Team Philippines. Matatandaan na bigong nakapasok si Hidilyn sa Games sa unang pagkakataon matapos ang apat niyang sunod-sunod na pagkapanalo.
“Do your best. But enjoy the moment. The Olympics happens only every four years,” saad ni Diaz, sa ginanap na 60th anniversary event ng MILO sa Trinoma sa Quezon City.
“Take pride that you’re representing the country.”
Siyam ang magiging pambato ng Pilipinas para sa Paris Olympics: pole vaulter EJ Obiena, gymnasts Carlos Yulo at Aleah Finnegan; boxers Eumir Marcial, Nesthy Petecio, at Aira Villegas; at weightlifters Elreen Ando, Vanessa Sarno, at John Ceniza.
Umaasa rin ang isa pang weightlifter na si Rosegie Ramos na makakasunod sa Paris.
Kapag nakapasok si Ramos, ito ang kauna-unahang pagkakataon na apat na weighlifters sa bansa ang magsusuot ng national colors sa single Olympics.
‘Yan ang epekto ni Diaz na kanyang nilikha para sa Philippine weighlifting matapos ibulsa ang silver noong 2016 sa Rio de Janeiro Games at ang makasaysayang ginto sa Tokyo Games noong 2021 bukod sa iba pa niyang accomplishements sa international scene.
“I’m happy for them because they trained hard. That was our goal – to qualify. Now, it is to win,” saad ni Diaz. “As their older sister, of course I’m happy.”
Inaasahan na mas marami pa ang magiging kwalipikado dahil targer ng Philippine Olympics Committee na 25 atleta ang maipadala sa Paris. RON TOLENTINO
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA